What's on TV

Jon Lucas, hindi nakalaban sa aktingan ni Cherie Gil?

By Dianne Mariano
Published December 14, 2021 5:56 PM PHT
Updated December 14, 2021 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOJ press conference (Jan. 15, 2026) | GMA Integrated News
SALA to release new heartfelt single 'Tahanan' this Friday
PBBM offers prayers for trash slide victims; vows aid

Article Inside Page


Showbiz News

jon lucas and cherie gil on mars pa more


Totoo bang na-intimidate at hindi nakalaban sa aktingan si Kapuso hunk Jon Lucas kay seasoned actress Cherie Gil? Alamin ang sagot ng aktor dito.

Inamin ni Kapuso actor Jon Lucas na na-intimidate siya at hindi nakalaban sa aktingan ni award-winning actress Cherie Gil nang makatrabaho ito sa isang proyekto.

Sa segment na “TaranTanong” ng Mars Pa More kamakailan, sinagot ng aktor ang tanong: “Na-intimidate ka raw sa huling project na pinagsamahan niyo ni Cherie Gil. Bakit? A. Tinarayan ka niya B. Hindi ka nakalaban sa aktingan.”

Photo courtesy: GMANetwork (YouTube)

Pinili ni John ang letrang B at ipinaliwanag ang kanyang sagot.

Aniya, “Si Ms.Cherie, matagal na nating napapanood. So, bata pa lang ako, kapag tinitingnan ko siya sa palabas sabi ko, 'Siguro sa totoong buhay, sobrang taray din nito.'

“Pero ang totoo, kabaliktaran pala no'n. Sa totoong buhay, hindi naman siya sobrang mataray talaga. Ang totoo napakabait po ng isang Ms. Cherie Gil.”

Dagdag pa ng aktor na baguhan pa lamang siya sa pag-arte nang makatrabaho ang beteranong aktres.

Pagbabahagi ni Jon, “Kaya hindi rin ako nakalaban pagdating sa aktingan kasi nga syempre Ms. Cherie Gil na 'yon. Tapos bago lang din ako and 'yun talagang nakaka-intimidate, iba e. At saka nakikita mo bawat eksena kung gaano niya kamahal 'yung ginagawa niya.

“So parang ikaw, sinisikap mo na gawin din 'yon. Pinu-push mo 'yung sarili mo na ganito pala dapat. So sa kaka-push ko ng gano'n, napre-pressure ako mag-isa. Kinakabahan ako tuwing mag-eeksena kami.”

Sinabi rin ng aktor na nais niya muling makatrabaho ang multi-awarded actress.

Noong nakaraang taon, naging magkatambal sina Jon Lucas at Cherie Gil sa special anniversary episode ng weekly drama anthology show Tadhana.

Para sa mas maraming pang celebrities features gaya nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.

Samantala, tingnan ang mga larawan ni Jon Lucas na nagpapatunay na siya'y isang awesome dad sa gallery na ito.