What's on TV

Jon Lucas, kuhang kuha ang inis, gigil ng 'Black Rider' viewers

By Marah Ruiz
Published June 6, 2024 6:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH aims to boost cruise tourism growth
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Jon Lucas in Black Rider


Nakuha ni Jon Lucas ang gigil ng mga manonood ng 'Black Rider' dahil sa karakter niyang si Calvin.

Maituturing si Kapuso actor Jon Lucas bilang isa sa stand out performers ng full action series na Black Rider.

Sa mga episodes ng serye ngayong linggo, sumugod ang kanyang karakter na si Calvin sa kasal nina Paeng (Matteo Guidicelli) at Joan (Arra San Agustin) para ipagpatuloy ang kanyang paghihiganti sa bidang si Elias (Ruru Madrid).

Dahil sa pagpapahirap ni Calvin sa mga mahal sa buhay ni Elias, nakuha ni Jon ang gigil ng mga manonood ng serye.

"Asal Pulang Diablo yang Si Calvin kuha niya Gigil namin," sulat ng isang viewer sa Facebook.

"C Calvin.. Lumaki sa Farm.. Isa kang Hayop! 😈🤣," dagdag naman ng isa.

Nag-react naman si Jon sa mga komentong natatanggap niya mula sa Black Rider viewers sa isang panayam kasama ang ilang piling mga tao.

"Natutuwa din po ako sa mga komento ng mga Kapuso po natin na nanonood ng Black Rider kasi lagi ko pong sinasabi, masakit man 'yung sinasabi nila, 'yun po talaga 'yung nagbibigay po sa atin ng kumpiyansa. 'Yun po 'yung nagpapatotoo na effective po 'yung ginagampanan natin," paliwanag ng aktor.

Ginagamit daw ni Jon Lucas bilang inspirasyon ang feedback na ito para lalong mapabuti ang kanyang pagganap sa Black Rider.

"Kasi minsan po, kahit na nakakatanggap tayo ng magagandang komento, para po sa akin, laging may kulang. Pagka ginagawa ko po 'yung eksena, sa isip ko, tama ba 'yung ginawa ko? Naku, baka kulang. Baka kulang 'yung atake, baka kulang 'yung reaction or emosyon. Pero 'pag lumalabas po sa TV at nakakatanggap po tayo ng ganoong comment, sumasaya po tayo siyempre. Nagiging thankful tayo at nakikita natin na nasa right path po tayo ng pag-portray dito kay Calvin Magallanes," lahad ni Jon.

Patuloy na panoorin si Jon Lucas bilang kontrabidang si Calvin sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider.

SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE PARA SA BAGONG YUGTO NG BLACK RIDER KUNG SAAN DUMALO SINA RURU MADRID, YASSI PRESSMAN, ANGELI KHANG AT IBA PANG MIYEMBRO NG CAST:

Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Kumapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood online via livestream online sa Kapuso Stream.