
Muling pinag-usapan ang mga bagong kaganapan sa action drama series na Black Rider kabilang dito ang tinaguriang Red Wedding.
Sa interview ni Nelson Canlas kay Jon Lucas na gumaganap bilang si Calvin, ang leader ng Golden Scorpion, marami pang dapat abangan na eksena sa serye.
“Abangan n'yo pa ang maraming eksena na inihanda po namin para sa inyo, lalong lalo na, kita n'yo naman si Elias ay nakuha ng kaniyang tunay na ama, si Edgardo Magallanes (Raymond Bagatsing) kaya abangan n'yo pa,” sabi ni Jon.
“Siyempre, hindi lang du'n hihinto 'yun dahil si Elias ay nawalan ng mga mahal sa buhay. For sure ay mag-iisip siya ng ibang way para makaganti at makabawi sa grupo namin,” ani Jon.
Patuloy na tumutok sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider!
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.
RELATED CONTENT: Black Rider: Behind the scenes of the 'red wedding' | Online Exclusive