GMA Logo Jon Lucas and Ronnie Alonte
Photo by: Aljhon Lucas (FB); Ronnie Alonte (FB)
What's Hot

Jon Lucas, may tampo sa kaibigang si Ronnie Alonte?

By Aimee Anoc
Published February 14, 2026 6:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos: Poor now have easier access to electricity subsidies
Francis Libiran spotlights signature designs in new home collection
Young Negrense swimmers excel at Bangkok swim championship

Article Inside Page


Showbiz News

Jon Lucas and Ronnie Alonte


May pabirong hirit si Jon Lucas sa kaibigang si Ronnie Alonte na umano ay hindi nasagot ang missed calls nito dahil hindi invited sa kasal. Basahin dito.

Kinaaliwan ng netizens ang tila pabirong hugot post ni Jon Lucas tungkol sa bagong kasal na kaibigang si Ronnie Alonte.

Sa Facebook, ipinakita ng Sang'gre actor ang screenshot ng sunod-sunod na missed calls mula kay Ronnie.

Biro ni Jon, hindi niya nasagot ang tawag ng kaibigan dahil sa kakahanap niya ng kanyang picture sa kasal nito. Ikinasal na si Ronnie kay Loisa Andalio noong November 2025.

"Hindi ko nasagot kasi hanap ako nang hanap ng picture ko nung kasal mo tas naalala ko hindi nga pala ako inimbayt," caption ni Jon.

May komento naman si Ronnie sa post na ito ni Jon: "Suplado to. Porket napapanood ko siya mag espada."



Biro naman ng isang netizen sa post na ito ng Sang'gre actor, "Okay lang yan di naman din pwede brad HAHAHA"

Sagot naman ni Jon dito, "Pwede po sa kainan."

Samantala, patuloy na napapanood si Jon Lucas bilang Daron sa hit fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 pm. sa GTV.

Related content: Loisa Andalio and Ronnie Alonte's official wedding photos