
Nagkaroon ng nakakatuwang palitang ng comments si Kapuso actor Jon Lucas sa netizens ng mag-post siya ng artificial intelligence o AI-generated na litrato nila ng international singer na si Taylor Swift na nakasama niya umano sa isang jogging.
Sa Instagram, nag-post si Jon ng litrato niya na tila kagagaling lang sa pagtakbo at katabi niya ay ang “Dear John” singer na si Taylor.
Caption ni Jon sa kaniyang post, “Konting kwentuhan with Taylor Swift after 5km run. Nabanggit niya para sakin daw pala yung Dear John sabi ko Jon ako walang H, wala raw siyang pakialam! ”
Sa comments section, ilang netizens ang nag-react sa pinost na litrato ni Jon, kabilang na ang kapwa Kapuso star na si Luis Hontiveros.
Sulat ng aktor, “Ang husay mo talaga Kapatid! Walang kupas! ”
Sagot naman ni Jon, ang totoong kasama niya ay si Mitena, ang karakter na ginagampanan ni Rhian Ramos. Sinang-ayunan naman ni Luis ang pagkukumpara ni Jon sa Hara ng Mine Ave sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Tanong naman ng aktor na si Kyle Vergara, “Eto ba yung tinatawag na swift run?”
Sabi ni Jon, “HAHAHAH pwede ”
Komento naman ni Saviour Ramos, “Idol ka talaga HAHAHAHA ”
Isang netizen naman ang nagsabi na swerte ni Taylor na nakasama ng international singer ang Kapuso actor. Mayroon ding nagsabing muntik na siyang maniwala sa post pero agad na napansing malayo ang height ni Taylor sa nakita sa litrato.
Source: lucas_aljhon/IG
TINGNAN ANG ILAN SA MGA AI PHOTOS NG ILANG CELEBRITIES NA IKINUMPARA SA KANILANG REAL PHOTOS SA GALLERY NA ITO:
Hindi naman ito ang unang AI-generated photo sa pinost ni Jon dahil kamakailan lang, nag-post din siya ng bike run kung saan naka-groufie nila ang international superhero team na Justice League.
Kasama ni Jon sa litrato si Henry Cavill bilang si Superman, Gal Gadot bilang si Wonder Woman, si Ben Affleck bilang si Batman, si Jason Momoa bilang si Aquaman, at si Ezra Miller bilang The Flash. Nasa litrato din si Ray Fisher bilang si Cyborg, ngunit hindi nakita ng husto.
Caption ni Jon sa kaniyang post, “Tamang groufie muna kasama ang mga superheroes. Kasama ko rin sa larawan ang kuya ko na si Sigred Staana isa po siya sa mga nakakita ng Dinosaur noon at nagkwento samin ng BIG BANG THEORY. #BikeIsLife #JusticeLeague.”