What's Hot

Jon Lucas on his Special Forces training: "Two days lang, pero parang two weeks"

By Michelle Caligan
Published July 22, 2019 5:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)

Article Inside Page


Showbiz News



Isa si Jon Lucas sa cast members ng Pinoy remake ng 'Descendants of the Sun' na sumabak sa Special Forces training noong July 15 at 16 sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Isa si Jon Lucas sa cast members ng Pinoy remake ng Descendants of the Sun na sumabak sa Special Forces training noong July 15 at 16 sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Jon Lucas
Jon Lucas

WATCH: Alpha Team ng Pinoy 'Descendants of the Sun,' nasubukan ang stamina sa isang special forces training

Sinabayan nila ang isang batch ng Special Forces Qualification Course students sa kanilang daily training sessions, kabilang ang reception rites, obstacle course, jungle warfare, at marami pang iba. Natulog din sila kasama ng kanilang classmates sa tinatawag na tent city sa loob ng military camp.

IN PHOTOS: A sneak peek into the Special Forces training of the 'Descendants of the Sun' cast

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ibinahagi ng bagong Kapuso ang kanyang naging karanasan.

Aniya, "Trained with the AFP's best company, the SPECIAL FORCES! Sa loob ng dalawang araw, OPO 2 days lang, pero parang 2 weeks bugbog yung isip at katawan mo sa exercises/activities at sa pag-iisip kung paano mo gagawin yung susunod na mga challenges.

Trained with the AFP's best company. The SPECIAL FORCES! Sa loob ng dalawang araw, OPO 2 days lang, pero parang 2 weeks bugbog yung isip at katawan mo sa exercises/activities at sa pag-iisip kung paano mo gagawin yung susunod na mga challenges. Sabi ko nga. Ito na ang pinakamahirap (sa ngayon) na nagawa kong training sa buong buhay ko, buti nalang at andon ang mga classmates namin na nagpapalakas ng loob namin sa tuwing nakikita kaming nahihirapan na. Kaya Salamat Sainyo!! Pero ganun pa man lalo lamang namin napatunayan na ang sakripisyo ng ating mga sundalo para sa bayan ay hindi kailanman mababayaran. Handang iwan ang mga mahal sa buhay kahit gaano pa katagal, maprotektahan lang ang mga kababayan, at masecure ang sariling bayan. Bilib po ako sainyo noon mas lalo na ngayon! Habang buhay akong sasaludo sainyo mga Sir! Maraming salamat din po sa certificate na bigay niyo, habang buhay ko ipagmamalaki yung DALAWANG ARAW NA TO!! Mahirap pero sobrang SAYA!!! 👊🏼 #SFR #AFP #DOTS

A post shared by Jon Lucas (@lucas_aljhon) on

"Ito na ang pinakamahirap (sa ngayon) na nagawa kong training sa buong buhay ko, buti na lang at andon ang mga classmates namin na nagpapalakas ng loob namin sa tuwing nakikita kaming nahihirapan na. Kaya salamat sa inyo!!

"Pero ganun pa man lalo lamang namin napatunayan na ang sakripisyo ng ating mga sundalo para sa bayan ay hindi kailanman mababayaran. Handang iwan ang mga mahal sa buhay kahit gaano pa katagal, maprotektahan lang ang mga kababayan, at ma-secure ang sariling bayan.

"Bilib po ako sa inyo noon mas lalo na ngayon! Habang buhay akong sasaludo sa inyo mga Sir! Maraming salamat din po sa certificate na bigay niyo, habang buhay ko ipagmamalaki yung DALAWANG ARAW NA TO!! Mahirap pero sobrang SAYA!!!"

WATCH: Rocco Nacino, humanga sa mga miyembro ng militar pagkatapos ang 25-hour special forces training sa Nueva Ecija

Dingdong Dantes, nagbigay-pugay sa mga nakasama sa Special Forces training para sa 'Descendants of the Sun'