
May kinakaharap mang pandemya, hindi huminto sina Jon Lucas, Prince Clemente, at Anthony Rosaldo na magpasaya sa kanilang fans.
Bilang pasasalamat sa kanilang patuloy na pagsuporta, naka-bonding nila ang kanilang paboritong GMA stars sa pamamagitan ng Kapuso Brigade Fan Meet kamakailan.
Naka-online chikahan ng loyal Kapuso fans sina Jon, Prince, at Anthony at sumabak din sa fun games via Zoom video conferencing.
Dahil sa banta ng COVID-19, nagbigay ng health and fitness tips ang Descendants of the Sun actors na sina Jon and Prince, at nagkuwento rin tungkol sa kanilang buhay quarantine.
Samantala, nagpa-raffle naman ang The Clash graduate na si Anthony at hinarana pa ang kanyang fans ng bagong single niyang "Puwedeng Tayo."
Kung nais n'yo ring maka-bonding ang inyong paboritong Kapuso stars online, maging member ng GMA fan club na Kapuso Brigade!
Para makasali, i-message lang ang Kapuso Brigade via their Facebook, Twitter, and Instagram accounts: @kapusobrigade.