
Time out muna ang mga kontrabida ng top-rating GMA Telebabad series na First Lady na sina Jon Lucas, Samantha Lopez at Glenda Garcia sa pang-aapi kay Melody (Sanya Lopez).
Sa TikTok, pinakita nina Jon, Samantha at Glenda ang kanilang galing nang sayawin nila ang Boom Shack A Lak.
Sulat ni Jon sa caption, "Sayawan muna with Marni and Ambrocia #FirstLady."
@thedonlucas Sayawan muna with Marni and Ambrocia #FirstLady ♬ original sound - 💙Sphencer4💙
Sa First Lady, ginagampanan ni Jon si Titus, ang dating henchman ni Luis Prado (Gardo Versoza) na ngayon ay nagtatrabaho na para sa dating First Lady na si Allegra (Isabel Rivas).
Si Samantha naman ay ang kaibigan ni Allegra na dati ring First Lady na si Ambrocia samantalang si Glenda ay ang dating journalist na si Marnie na kakampi naman ni Ingrid (Alice Dixson).
Mapapanood ang First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Samantala, mas kilalanin pa ang mga karakter ng First Lady dito: