GMA Logo Encantadia Chronicles Sanggre actor Jon Lucas
Photo by: Aljhon Lucas (Facebook)
What's on TV

Jon Lucas, thankful sa suporta ng fans sa DarMea; grateful na napasama sa 'Sang'gre'

By Aimee Anoc
Published March 4, 2026 2:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Livestream: April 27, 2026
Man linked to Mamasapano massacre, 56 murder raps arrested
'Huwag Kang Titingin' | Don't look at each other challenge

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sanggre actor Jon Lucas


Jon Lucas sa mga nagmamahal sa DarMea: "Maraming salamat, Encantadiks! 80M ang nakidungaw, nakisama sa piitan, at nanood sa istorya ni Armea."

Umaapaw ang pasasalamat ni Jon Lucas sa pagmamahal at mainit na suporta ng Sang'gre viewers kina Daron at Armea, na tinatawag ngayong DarMea.

Kasalukuyang mayroong mahigit 80 million views across all platforms ang mga nakakakilig na eksena ng DarMea, na mahusay na ginagampanan nina Jon Lucas at Ysabel Ortega.

"Maraming salamat, Encantadiks! 80M ang nakidungaw, nakisama sa piitan, at nanood sa istorya ni Armea," sulat ni Jon Lucas sa isang Facebook post.

Bukod dito, ikinuwento rin ni Jon Lucas ang pagnanais noon na mapasa sa Encantadia Chronicles: Sang'gre "kahit ilang eksena lang."

"Naalala ko pre-pandemic (2019) narinig ko magkakaroon ulit ng Encantadia. Sabi ko sa nakausap kong production staff sana po makasama kahit ilang eksena lang. “Malay mo!” Ayun!" sabi ng aktor.

Ipinarating din ng aktor kung gaano siya nagpapasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kaniya. Aniya, "SALAMAT PO SA LAHAT LAHAT, AMA.

"Inalala ko lang bago matulog kung bakit dapat ako maging grateful, thankful, at mahalin pa ang trabaho. Salamat sa mga nakasamang nagtrabaho mula kaninang tanghali! Nagbubunga na at magbubunga pa ang lahat ng pagpapagal ng lahat. Tulungan pa hanggang matapos!"

Saan kaya patutungo ang love story nina Hara Armea at Daron? Subaybayan iyan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

TINGNAN ANG KILIG MOMENTS NINA HARA ARMEA AT DARON SA SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: