
Patuloy na sinusubaybayan ng Encantadiks at viewers ang mga kaabang-abang na eksena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Isa na rito ang istorya ni Daron, na ginagampanan ni Jon Lucas. Mula sa mga matitinding fight scenes hanggang sa kaniyang love story kay Armea (Ysabel Ortega), tutok ang lahat sa kung ano ang susunod na mangyayari sa Mine-a-ve.
Sa isang panayam sa 24 Oras, ikinuwento ni Jon ang kaniyang paghahanda para sa nasabing role.
Dahil sa intense fight scenes, binibigyang-pansin daw ng aktor ang kaniyang kalusugan at fitness. Isa sa kaniyang mga ehersisyo ang cycling, na sinulit niya noong holiday season.
Dedicated din si Jon sa pagwo-work out at madalas niyang hinihikayat ang publiko na magkaroon ng healthy lifestyle.
Ngunit bukod sa pinaghirapang aksyon, marami pa raw ang dapat abangan ng mga manonood sa kaniyang istorya.
"'Yung sinabi kasi ng Batis ng Katotohanan, si Armea, makakatuluyan daw si Daron. E ngayon parang ang dami kasing pagsubok na nangyayari, may humahadlang sa pag-iibigan. 'Yun ang kailangan nila abangan kung totoo ba talaga ' yung Batis ng Katotohanan o minsan nangti-trip siya," aniya.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang eksena ni Jon Lucas sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Kilalanin si Jon Lucas sa gallery na ito: