GMA Logo Jon Santos
What's Hot

Jon Santos talks about burnout and slowing down

By Nherz Almo
Published November 25, 2024 10:56 AM PHT
Updated November 25, 2024 9:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Flood control project restitution: Alcantara returns P71M to government
These hotel offerings are perfect for the holidays
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Jon Santos


Jon Santos: “The last 12 months have been challenging.”

Madalas sinasabi ng mga komedyante na sa likod ng kanilang pagpapatawa, nakararanas din sila ng mga pagsubok.

Isa na rito ang batikang impersonator na si Jon Santos, na kilala sa kanyang paggaya sa ilang personalidad sa showbiz at pulitika.

“There were also breaks. Nagkaroon din ng burnout,” pag-amin ni Jon sa GMANetwork.com sa ginanap ng press conference kamakailan para sa kanyang upcoming concert na Naughty & Nice: Jon Santos Is Coming to Town!

Patuloy na kuwento niya, “Mayroon lang way yata ang universe, nag-a-align ang mga planeta, at nagkakaroon ka ng inspirasyon. Bago ko na-meet si West [Stewart, kanyang asawa], papunta na tayong soul-searching. I also discovered sobriety.

“Again, my nanay-nanayan, si Tessie Tomas, helped me find counseling, helped me find a break. 'Tapos, in a dinner in her house, nakilala ko si West. Talagang napaka… may kinalaman siya [Tessie], pati mga una kong break. Discoverer ko siya sa aking life.

“E, dumating si West. He did not know my work, I did not know his work. Nagkakilala na lang kami kasi mas na-fascinate siya, napagbigyan ang kanyang curiosity about how to be a producer… Pero before that, may matinding burnout.”

Para kay Jon, normal na bahagi lamang ng buhay ang pagdanas ng burnout.

Paliwanag niya, “May kinalaman din sa instrumento, kapag napapapagod yung aktor, napapagod yung vessel, napapagod yung artist. Kaya naniniwala na ako na it's you and it is true; and you're in good hands if you have a creative [mind], you'll always have something.”

Isa rin daw sa mga natutunan niya noong nakaraang COVID pandemic ang pagtanggap sa kung ano'ng magiging kapalaran sa buhay.

Aniya, It's nice na naging kumportable na ako with uncertainty, with the unknown, and the beke nemen attitude. Nabawasan yung takot ko na hindi mo alam ang next move, kung ano ang next project, at kung saan 'yung income. It's something that took a long time to get used to.”

A post shared by jon santos (@jon_to_the_world)

Jon as a caregiver to his loved ones

Isa sa mga in-demand na impersonator ng bansa si Jon. Pero inamin ng 58-year-old actor na ngayong taon, kinailangan niyang maghinay-hinay sa pagtanggap ng trabaho para pagtuunan ng pansin ang kanyang mga minamahal.

Ang kanyang 85-year-old na ina na may karamdaman at kanyang 69-year-old na asawa, na sumailalim sa dalawang heart surgery.

“Nangyari this year because my mom also slowed down,” paglalahad ni Jon.

“So, I had to play that role of butihing anak in the province. 'May gloves pa ba? Nauubos na ba ang gamot? Kumusta ang rotation ng nurses? May laman pa ba yung oxygen tank?' There's a little ICU in the farm and the siblings and the caregivers take turns.

“'Tapos, nagdalawang heart surgery ang asawa ko. The last 12 months have been challenging.”

Sa kabila nito, ikinatutuwa naman ni Jon na nagagamit pa rin niya ang kanyang talento para pasiyahin ang kanyang ina.

“Na-realize ko, ang comedy ay nagagamit ko sa audience of one. Napapatawa ko ang nanay sa kanyang bed side. Ibang klaseng magic, nai-inspire siya na kumapit muli at lumaban uli.”

Gayundin, nagpapasalamat siya dahil, aniya, “Ito namang si Mr. Stewart, natanggap niya na yung kapalit ng pagtugon sa challenges niya ay ang pagtanggi ko sa ibang projects. E, bakit ba tayo nandito? Kaya nga merong in sickness and in health. That is the role that we are meant to play. Priority siya.”

Sa huli, nabanggit ni Jon na maaring sa 2025 ay malimitahan din ang pagtanggap niya ng mga proyekto.

“I will slow down. Mayroon din sigurong point in 2025 na hahanapin namin na six months kailangan nandun [kami sa America] for--hindi lang kasi senior citizenship ang aking tatawirin, the other kind of citizenship. I think the requirement is six months and a day. Itatapat lang natin kung aling six months yun.”

Nilinaw niya na hindi naman ibig sabihin nito na mawawala siya sa showbiz.

“Kailangan lang ng abilidad. E, maabilidad naman tayo, nahahanapan natin ng oras ang bawat isa,” pagtatapos niya.

Mapapanood ang concert ni Jon na Naughty & Nice: Jon Santos Is Coming to Town! sa December 7, 8 p.m., sa Samsung Hall, SM Aura Premier, Taguig City.

A post shared by jon santos (@jon_to_the_world)

Samantala, tingnan ang Pinoy na nag-trend dahil kamukha raw ng international celebrities: