
Tinupad ni Jong Madaliday ang pangarap ng kanyang ina na magwagi siya sa The Clash 2025.
Saksi ang kanyang ina sa lahat ng kanyang rejection noon, kaya ito ang unang-unang masaya para sa bagong achievement ng kanyang anak. Matatandaang hindi pinalad manalo si Jong sa The Clash noong unang beses siyang sumali noong 2018.
Pahayag ng North Cotabato singer, "Sobrang saya ko and matagal ko na itong pangarap at prinomise ko ito sa nanay ko na gagawin ko yung best ko para tanghaling kampeon and I'm happy na nagawa ko."
Nagpasalamat din si Jong sa mga taong sumuporta sa kanyang journey sa The Clash at sa kanyang followers online.
"Fam, Facebook fam, YouTube fam, we did it and thank you so much sa suporta. Maraming, maraming salamat kundi dahil sa inyo, wala rin ako dito. Thank you, finally, we did it."
Si Jong ang ikapitong grand champion ng The Clash matapos sina Golden Canedo, Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, Mariane Osabel, John Rex, at Naya Ambi.
Bilang The Clash 2025 winner, nakatanggap si Jong ng prize package na nagkakahalaga ng mahigit PhP 4 million: PhP 1 million in cash, house and lot, at management contract mula sa Sparkle GMA Artist Center.
TINGNAN ANG WINNING MOMENTS NI JONG MADALIDAY SA THE CLASH 2025 SA IBABA.