
Buhay ni singer at The Clash alum Jong Madaliday ang matutunghayan sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Espesyal ito para kay Jong dahil siya mismo ang gaganap sa kanyang sarili sa episode na ito.
Pinamagatang "Heart of a Champion: The Jong Madaliday Story," iikot ito sa buhay niya bago maging kampeon sa mga singing competitions.
Nagtatrabaho abroad ang nanay ni Jong, habang inabandona naman sila ng kanyang ama. Dahil dito, ang lolo at lola niya ang nagpalaki sa kanya.
Sa murang edad, nagtrabaho na agad si Jong sa bukid kung saan nadiskubre niya ang musika. Paano huhubugin ng musika ang buhay niya?
Makakasama ni Jong sa episode sina Kenen Nuyad, Epy Quizon, Sue Prado, Dexter Doria, at Bodjie Pascua.
Abangan ang brand-new episode na "Heart of a Champion: The Jong Madaliday Story," January 3, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.