GMA Logo Jong Madaliday
PHOTO SOURCE: TiktoClock
What's on TV

Jong Madaliday, guest judge sa Tanghalan ng Kampeon sa 'TiktoClock'

By Maine Aquino
Published August 12, 2026 2:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte defense team presscon (August 12, 2026) | GMA News
Wet wipes, single-use plastics banned at Mount Hamiguitan
Alex Eala expresses gratitude and appreciation after Canadian Open

Article Inside Page


Showbiz News

Jong Madaliday


Kasama si Jong Madaliday sa mga pumili ng mga kampeon sa 'Tanghalan ng Kampeon' sa 'TiktoClock.'

Tumayong guest judge si Jong Madaliday sa "Tanghalan ng Kampeon Season 5" ng TiktoClock.

Si Jong ang itinanghal na grand champion ng Philippine reality singing competition show ng GMA na The Clash 2025.

Sinorpresa ng TiktoClock ang mga manonood sa pagpasok ni Jong bilang inampalan. Kasama ni Jong sa "Tanghalan ng Kampeon" sina Renz Verano at Hannah Precillas.

PHOTO SOURCE: TiktoClock


Ayon sa post ng TiktoClock, "May bagong inampalan sa #TiktoClock! Welcome, #JongMadaliday! Sino kaya ang mapapabilib at makakakuha ng kanyang boto?"

Saad ni Jong sa video, "Hello, mga Tiktropa, this is Jong Madaliday. Ako muna ang inyong inampalan. Abangan po ninyo ako sa mga upcoming episodes ng Tanghalan ng Kampeon sa TiktoClock."

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

Saad pa sa isang post, "Jong is in the house! Makiki-join si #JongMadaliday bilang guest judge ng #TanghalanNgKampeonGMA! Handa na ba ang Tiktropa sa kanyang mga hatol at reaction? Abangan siya sa #TiktoClock!"

Balikan ang mga naganap sa unang pagsabak ni Jong bilang guest judge sa
"Tanghalan ng Kampeon" sa TiktoClock.