
Lubos ang saya ni Jong Madaliday nang muling makasama ang kanyang mga kapatid sa North Cotabato.
Umuwi ang The Clash Season 1 runner-up na si Jong sa kanyang hometown habang inoobserbahan ang Ramadan.
Sa pakikipag-usap ng GMANetwor.com kay Jong sa pamamagitan ng direct message sa Instagram, nabanggit ng binatang singer na tatlong taon na siyang hindi nakakauwi sa kanilang probinsya kaya excited sila sa pagsasama-sama muli nilang magkakapatid.
"Masaya po ako kasi first time ko na makasama 'yong mga kapatid kong mga lalaki, na kumpleto kami.
"Kasi, magkakaiba po kami ng tinitirahan kaya noong nagkita po kami, sakto nandoon sila sa bahay ng lola namin para bisitahin."
Kapansin-pansin din na na-miss ni Jong nang husto ang buhay sa probinsya sa kanyang Instagram posts.
Sa katunayan, sinabi ni Jong sa isang post, "Wala ng pangamba, wala ng sisita ng Hoy FaceMask/Face Shield mo 😂"
Inamin ni Jong na may halong lungkot ang pamumuhay niya sa Metro Manila dahil malayo siya sa kanyang pamilya.
Kwento niya, "Three years na po ako nahiwalay sa pamilya ko. Nagbalak ako umuwi noong 2020 kaso inabot ng lockdown.
"Sobrang lungkot din kasi mag-isa lang ako sa bahay."
Dagdag pa ng All-Out Sundays singer, "Sobrang nahirapan ako noong lockdown kasi walang masyadong show.
"Nalubog din sa utang, nalooban pa po.
"Pero sa awa naman po ni Allah nakakabangon naman po paunti-unti."
Sa ngayon, ine-enjoy muna ni Jong ang mga sandaling kasama ang kanyang pamilya. Ayon sa kanya, mananatili siya sa probinsya hanggang matapos ang Ramdan.
Samantala, nagpapasalamat si Jong sa mga natuwa sa kanyang panghaharana online sa pamamagitan ng Omegle.
"Marami pong fans ko ang nagre-request na gumawa ako ng Omegel conten. Hindi ko po in-expect na magugustuhan nila," sabi ni Jong.
Samantala, narito ang ilang pang Kapuso stars na nakilala na rin sa vlogging: