GMA Logo Jopay Paguia
Source: jopaypaguiazamora (IG)
What's on TV

Jopay Paguia, binalikan ang masakit na pag-alis nila sa SexBomb Girls

By Kristian Eric Javier
Published January 9, 2026 4:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PAGASA: Shear line, amihan to bring rains, thunderstorms to parts of PH
Man who allegedly beheaded 15-year-old girl in Bukidnon nabbed
The times Ashley Ortega slayed with her bangs

Article Inside Page


Showbiz News

Jopay Paguia


Ano nga ba ang nagtulak sa ilang miyembro ng SexBomb Girls para lisanin ang kanilang grupo?

Hindi naging madali para kay Jopay Paguia at sa ibang SexBomb Girls na huwag mag-renew ng kontrata at lisanin ang kanilang grupo noong 2013.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, Jnauary 8, inamin ni Joy Cancio, ang dating mentor, manager, at tumatayong nanay sa grupo na hindi na niya naaalala ang naramdaman niya noong tumanggi na mag-renew ng kontrata ang ilang miyembro.

“Pero syempre, nasaktan ako. Pero alam mo, parang ako 'yan noon, e, na sa grupo naming ng Vicor, 'yung 'yung reflection ko na 'I need to grow. I have a dream na 'yung dream ko yata hindi dito pu-push kung nandito pa ako,'” sabi ni Joy.

Pagpapatuloy niya, hindi naman siya magiging founder, manager, at choreographer ng SexBomb Girls noon kung nanatili siya sa Vicor Dancers, kaya naintindihan niya ang desisyon ng ilang miyembro.

Ngunit ayon kay Jopay, nag-usap-usap ang ilang miyembro ng orihinal na grupo na hindi na sila magre-renew ng kontrata. Pag-amin pa ng dancer, “Napagkaisahan talaga si Ate Joy that day.”

“Sobrang sakit-sakit na po sa amin 'yung mga nangyayari na 'yung sa amin, masakit na parang 'yung bata ka mag-isip. Hindi sobrang bata mag-isip pero 'yung parang konting kibot, masakit na, gi-give up. Immature,” sabi ni Jopay.

TINGNAN ANG ILAN SA ORIGINAL SEXBOMB DANCERS NOON NA MOMMIES NA NGAYON SA GALLERY NA ITO:

Pagbabahagi pa ng singer-dancer, umabot din sa punto na naisip nilang lumipat na lang sa ibang management.

“Dumating kami doon, to be honest, Tito Boy. 'Tayo ha, lahat na tayo, hindi na tayo magre-renew.' Kaming anim po 'yun, hanggang sa dumating sa point na nag-meeting, sa table, nasa table kami, isa-isa niya kaming tinanong, 'Magre-renew ka?' Unang tinanong, Monique, pangalawa ako, Evette, last si Ate Rochelle,” sabi ni Jopay.

Para kay Jopay, masakit ang pangyayaring iyon dahil ayaw niyang iwanan ang grupo nila.

“Masakit na iiwan ko 'yung grupo ko, may masakit din du'n sa part na 'Bakit ko iiwan?' na parang ano 'yung dahilan ko? Na parang clueless po ako. So hanggang sa nawala kami, may mga naiwan, may nag-stay, may mga nag-renew, kami 'yung umalis,” sabi ni Jopay.

Aminado naman si Jopay na nagkaroon ng pagkakataon na nawalan siya ng trabaho at ng manager. Ngunit nagpursigi siya at sinabing hindi siya pwedeng manatili lang sa nangyari, at kailangang mag-move forward.

Panoorin ang panayam kina Jopay at Joy dito: