
Sa gitna ng paghahanda para sa “rAWnd 3” ng “Get, Get Aw” concert ng SexBomb Girls, nagkaroon ng health concern si Jopay Paguia.
Sa social media, ibinahagi ni Jopay ang isang larawan na nagpapakita na siya ay nasa ospital dahil sa kanyang concussion.
“Laban walang babawi,” isinulat niya sa caption.
“Jopay kumusta ka na... May Rawnd 5 pa... Get Get aw... #concussion,” biro niya.
Sa post naman ng kanyang asawa na si Joshua Zamora, na dating miyembro ng dance troupe na Maneuvers, ipinagdasal niya ang paggaling ni Jopay.
“Praying for a clear and negative [result] #concussion,” pahayag niya.
“Kapit Kay Lord Jesus,” dagdag niya.
Gaganapin ang “rAWnd 3” ng “Get, Get Aw” concert sa SM Mall of Asia Arena sa February 6.
Kamakailan lang, inanunsyo na magkakaroon ng “rAWnd 4” at “rAWnd 5”. Dahil sa excitement ng fans, agad din itong na-sold out.
Unang nag-reunion ang SexBomb Girls noong December 4 sa SM Mall of Asia Arena.
RELATED GALLERY: Jopay Paguia, binalikan ang masayang 'Get, Get, Aw!: The SexBomb Concert'