What's on TV

Jopay Paguia, 'laban' sa showdown sa BINI: 'Masaya po 'yun'

By Kristian Eric Javier
Published January 9, 2026 1:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, shear line to bring cloudy skies, rains over Luzon
Sinulog 2026 festivity kicks off
Alexandra Eala wins vs Magda Linette to secure spot in ASB Classic semifinals

Article Inside Page


Showbiz News

jopay paguia


Bukas daw si Jopay Paguia sa ideya ng pakikipag-collaborate ng SexBomb Girls sa BINI.

Bilang isa sa mga masasabing unang girl group at P-Pop idols ng Pilipinas, hindi maitatanggi na gustong makita ng fans magakasama sa isang entablado ang SexBomb Girls at ang tinaguriang Nation's Girl Group na BINI.

Kung si Jopay Paguia ang tatanungin, “lalaban” siya sa isang collaboration kasama ang naturang girl group.

Sa “Fast Talk” segment ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, January 8, isa sa mga tanong ni King of Talk Boy Abunda kay Jopay ay kung lalaban o babawi ba siyang maka-showdown ng SexBomb Girls ang BINI.

Sagot ni Jopay, “Lalaban!”

Sinundan pa ito ng batikang host nang tanungin niya si Jopay kung seryoso ba ito sa collaboration sa naturang Girl Group.

“Ako, sobrang proud ako sa BINI nu'ng nagkaroon po dito talaga kasi bibihira lang po talaga magkaroon ng P-Pop dito po talaga. So, kung sakali makakasayaw po namin sila, bakit hindi po? Nakakatuwaa po 'yun,” sabi ni Jopay.

“Lalaban” din umano si Jopay na maka-showdown ang P-Pop boy group na SB19.

BALIKAN ANG UNANG ARAW NG NOSTALGIC CONCERT NG SEXBOMB GIRLS SA GALLERY NA ITO:

Sa November 27 guesting nina Aira Bermudez at Aifha Medina sa parehong GMA Afternoon Prime talk show, sinagot naman nila ang pagkukumpara ng netizens sa dalawang grupo.

Sagot ni Aira, “Siguro nu'ng time namin, deserve namin, pero time ng BINI ngayon, we have to respect that.”

Pagpapatuloy pa niya, lahat naman ay may timing at sa tingin niya ay ito na ang oras ng BINI.

Sang-ayon naman dito si Aifha, “Yes, bigay na natin sa kanila 'yun.”

Paglilinaw pa niya, hindi naman sila nakikipagkumpetensya sa BINI.

Panoorin ang panayam kina Jopay at Joy Cancio sa video sa itaas.