GMA Logo Jopay Paguia
Photo by: Jopay Paguia-Zamora Official (FB)
What's Hot

Jopay Paguia, nagpapasalamat sa dasal ng fans matapos ang head injury

By Kristine Kang
Published January 14, 2026 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Short-handed Timberwolves make quick work of Bucks
Cebu South Bus Terminal moves to SRP for Sinulog fest
NCAA women's volleyball is back this January

Article Inside Page


Showbiz News

Jopay Paguia


Nagpapagaling na si SexBomb Jopay Paguia-Zamora matapos maospital dahil sa concussion.

Taos-pusong nagpapasalamat ang SexBomb Girls member na si Jopay Paguia sa lahat ng dasal at suportang natanggap niya kamakailan.

Matatandaang marami ang nagulat at nag-alala para sa dancer matapos siyang isugod sa ospital dahil sa head injury.

"Maraming salamat po sa lahat ng nag-alala at patuloy na nagdadasal. ," ani Jopay sa isang post noong January 11.

"Na-ospital ako matapos mabagsakan ng tiles ng CR ang ulo at likod ko kaya kinailangan magpa-CT scan at MRI. Hindi pa tapos ang check-up at hinihintay pa ang results, kaya pinayuhan ako ng doctor na magpahinga muna," dagdag niya.

Sa kabila ng nangyari, tila napuno ng lakas at emosyon si Jopay dahil sa patuloy na suporta at pagmamahal na ipinapakita ng kanyang fans.

"Napaiyak ako [na]ng makita ko ang saya ng isang fan na nakabili ng ticket ng SexBomb concert, naalala ko kung bakit ako lalaban. Diyos ang lakas ko, at dahil sa inyo, lalaban ako hanggang matapos ang Round 5 ng concert. . Mahal na mahal ko kayo."

Kalakip ng kanyang post ang isang reshared trending video ng isang lola na napa-split sa tuwa matapos makabili ng kanilang concert ticket.

Samantala, nag-post din si Jopay ng isang video ng kanyang bonding moment kasama sina SexBomb Weng Ibarra at Monic Icban. Makikitang masayang nagkukulitan ang tatlo sa loob ng kanilang dressing room kasama ang kanilang glam team.

"Ang taas daw ng pain tolerance ni mareng monic, kaya sinampulan sya ni mareng Weng Ibarra hahaha," pabirong caption ni Jopay.

Agad namang pinusuan ng fans ang naturang mga post, ikinatuwa ang maayos na lagay ng dancer. May ilan ding patuloy na kumukumusta at nagdarasal para sa tuloy-tuloy na paggaling ni Jopay.

Noong January 10, ibinahagi ni Jopay at ng kanyang asawang si Joshua Zamora ang nangyaring aksidente.

Ang kanyang head injury ay nangyari sa gitna ng paghahanda ng SexBomb Girls para sa kanilang “rAWnd 3,” “rAWnd 4,” at “rAWnd 5” ng “Get, Get Aw” concert. Gaganapin na ito sa February 6-8 sa Mall of Asia Arena.

Unang nag-reunion ang SexBomb Girls noong December 4 sa Araneta Coliseum.

Balikan ang nostalgia at enegy ng Sexbomb Girls' reunion concert sa gallery na ito: