
Bawal bumawi dapat laban lang sa Your Honor ngayong Sabado, November 15, dahil dalawang matinik na SexBomb Girls ang sasalang bilang resource persons.
Haharap sina Aira Bermudez at Jopay Paguia sa hearing ng House of Honorables this weekend pinamagatang "In Aid of Sex Appeal: Basta Dancer, Sexy Lover."
Para kay SexBomb Aira, iba raw talaga ang appeal kapag isa kang dancer.
Paliwanag niya kina Chariz Solomon at Buboy Villar, “Yun ang nakaka-attract talaga sa mga dancers, bukod sa galing sumayaw. 'Tapos ang guwapo-guwapo pa mapapatili ka talaga. Yung mga hindi masyadong guwapo, gumaguwapo talaga.”
Samantala, binalikan din ng dalawa ang ilang experience nila, both good and bad, kasama ang kanilang fans.
Ayon kay SexBomb Jopay, may pagkakataon daw na sinipa niya ang isang male fan nang hinupuan nito ang isang kasamahan.
Lahad niya sa Your Honor, “Yung isa namin kagrupo nahipuan siya talaga. Pakiakyat, pagdating niya [Jopay motions with her hand], tinadyakan ko talaga 'yung mukha. Kaya hindi namin masisi yung mga bouncer namin talaga dati, talagang 'pag hinawakan kami ng ganiyan, chinachop-chop talaga nila 'yung kamay.”
Tutukan ang Your Honor ngayong Sabado ng gabi, November 15, pagkatapos ng 'Pepito Manaloto' sa YouLOL Youtube Channel.
Related gallery: The many times the SexBomb Dancers proved sisterhood is forever