GMA Logo Paolo Contis, Joross Gamboa
PHOTO COURTESY: Just In
What's on TV

Joross Gamboa, blessed sa pagiging bahagi ng upcoming mystery drama series na 'The Missing Husband'

By Dianne Mariano
Published May 26, 2023 12:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EU drops 2035 combustion engine ban as global EV shift faces reset
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis, Joross Gamboa


Ayon sa aktor na si Joross Gamboa, natutuwa siya na mapabilang sa 'The Missing Husband' dahil nakatrabaho na niya ang ilan sa kanyang co-stars sa ibang shows noon.

Isang masayang kuwentuhan ang napanood sa season finale ng Just In dahil nakasama ng host na si Paolo Contis ang actor-comedian na si Joross Gamboa.

Sa naturang episode, kinumusta ni Paolo si Joross tungkol sa karanasan nito sa pagiging bahagi ng upcoming GMA Afternoon Prime series na The Missing Husband.

Ang naturang mystery drama series ay pagbibidahan nina Kapuso stars Rocco Nacino at Yasmien Kurdi.

Ayon sa aktor, siya ay nagpapasalamat sa Kapuso Network dahil sa oportunidad na ibinigay sa kanya para maging parte ng The Missing Husband.

“Blessed ako na kinuha ako ng The Missing Husband, ng GMA, to be a part of that. At nakakatuwa dahil 'yung mga kasama ko, mga nakatrabaho ko rin before sa GMA, sina Direk Mark [Reyes], si Rocco from Encantadia," pagbabahagi niya.

Ayon kay Joross, nagsimula siyang gumawa ng mga proyekto sa GMA noong 2007 at ang pinakauna niyang show ay ang First Time, na pinagbidahan nina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, at Jake Vargas.

Naging bahagi rin si Joross sa cast ng Juan Happy Love Story, Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, at ang requel ng Encantadia. Nakagagawa rin ng proyekto sa ibang network ang actor-comedian dahil isa siyang freelance artist.

Kuwento pa ni Joross, “Ako naman kasi kung saan may trabaho. Ang kagandahan nga ng hindi ko hinangad maging superstar, nandoon lang ako sa gitna. Nakakatawid.”

Dagdag niya, “Importante nga sa industriya, marunong ka makisama talaga sa lahat and you don't burn bridges.”

Panoorin ang masayang episode ng Just In sa video na ito.


SAMANTALA, TINGNAN ANG HUNK PHOTOS NI JOROSS GAMBOA SA GALLERY NA ITO.