GMA Logo joross gamboa
Photos from joross_gamboa (IG)
What's Hot

Joross Gamboa channels 'My Husband's Lover' in Italy

By Jansen Ramos
Published June 29, 2025 5:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

joross gamboa


Tingnan ang nakatatawang eksena ni Joross Gamboa kasama ang Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo dito:

Kinaaaliwan sa social media ang latest video na ipinost ng aktor na si Joross Gamboa sa Instagram.

Kuha ito sa Milan, Italy kung saan sila nag-shoot ng ilan nilang eksena para sa GMA action series na Sanggang-Dikit FR.

Sa video, mapapanood sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na magkahawak ang kamay. Habang naglalakad, lumitaw si Joross na hawak din ang kamay ni Dennis.

Sulat ni Joross sa caption, "Lovers and Pare."

A post shared by Joross Gamboa (@joross_gamboa)

Ayon sa mga komento ng netizens, tila may part two ang pinag-usapang gay-themed series noon ni Dennis na My Husband's Lover, kung saan nakatambal niya ang kapwa niya aktor na si Tom Rodriguez.

Samantala, kasama rin nina Dennis, Jennylyn, at Joross sa Italy ang isa pa nilang Sanggang-Dikit FR co-star na si Liezel Lopez.

A post shared by Joross Gamboa (@joross_gamboa)

Pupunta rin sila sa Zurich, Switzerland at sa Dubai, UAE para kunan ang ilan nilang eksena para sa GMA Prime series. Magkakaroon din sila ng show doon na inorganisa ng GMA Pinoy TV.

Mapapanood ang Sanggang-Dikit FR weeknights, 8:50 p.m., sa GMA at Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa GTV sa oras na 10:30 p.m.

Related gallery: What happened at Sanggang-Dikit FR' mediacon: