What's Hot

Joross Gamboa, inakalang heavy drama ang 'Juan Happy Love Story'

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 29, 2020 12:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICC confirms arrest warrant for Bato Dela Rosa over drug war killings
Mag-inahan sa Cebu, Gi-heart sa mga Netizen | Balitang Bisdak
TikTok Shop honors standout creators at 2026 Creator Awards

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado ang aktor na si Joross Gamboa na bahagya siyang nag-alangan nang una niyang nabasa ang script ng upcoming GMA Telebabad series na 'Juan Happy Love Story.'


Aminado ang aktor na si Joross Gamboa na bahagya siyang nag-alangan nang una niyang nabasa ang script ng upcoming GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story.

Ayon sa kanya, nagulat siya nang mabasa ang script nito. 

WATCH: Juan Happy Love Story: Naughty and nice nights

"Tinawagan ko 'yung manager ko. Tinanong ko kung anong oras papalabas. Kung after ba 'to ng Lupang Hinirang or ipapalabas ng prime time. Sabi naman niya around 9:30," kuwento niya sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Pamilyadong lalaki na si Joross, ngunit nilinaw niya na walang kaso sa kanya ang sexy na tema ng seryeng iniaalok sa kanya.

"Medyo naughty siya and okay lang naman sakin 'yun. Bakit naman hindi?" dagdag niya.

Marahil nag-ugat ang kanyang gulat dahil iba ang expectation niya sa project, lalo na nang malaman niya kung sino ang magiging co-stars niya.

"Noong sinabi sakin na makakasama ko si Dennis (Trillo) saka si Heart (Evangelista), akala ko matinding dramahan 'yun. Inisip ko talaga drama! Noong sinabing comedy, mas na-excite ako," bahagi ni Joross.

Magaan daw sa pakiramdam ang comedy. Bukod pa dito, kakaiba para sa kanya na makitang nagpapatawa sina Dennis at Heart na mas kilala para sa kanilang mga dramatic roles. 

READ: Joross Gamboa, nerd na naging successful sa 'Juan Happy Love Story' 

"Iba 'yung ipapkita nila dito. Makikita mo si Dennis mag-comedy and siyempre si Heart. May drama pa rin dito dahil umiikot pa rin sa pamilya at sa love ang istorya rito," pagtatapos niya. 

Abangan si Joross bilang si Bob sa Juan Happy Love Story, simula May 16, pagkatapos ng Once Again sa GMA Telebabad. 

MORE ON JUAN HAPPY LOVE STORY:

Heart Evangelista and Dennis Trillo star in 'Juan Happy Love Story'

EXCLUSIVE LOOK: Kim Domingo's red swimsuit scene in 'Juan Happy Love Story'