GMA Logo Joross Gamboa
Celebrity Life

Joross Gamboa, ipinasilip ang beach house na pag-aari ng kanilang pamilya

By EJ Chua
Published October 28, 2021 4:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Joross Gamboa


Napakagandang beach house, ipinasilip ni Joross Gamboa.

Sa unang pagkakataon, ipinasilip ng aktor na si Joross Gamboa ang beach house na pag-aari ng kanilang pamilya.

Ang kanilang bagong family property ay matatagpuan sa Sariaya, Quezon Province.

Sa Instagram post ni Joross, makikita ang itsura ng labas at loob ng napakagandang beach house.

Sa labas ng bahay ay mayroong swimming pool at mula rito ay matatanaw ang napakalawak na karagatan.

Isang sementadong lote ang makikita sa labas nito na ginawa nilang basketball court.

Sa loob naman ng beach house ay bubungad ang eleganteng mga kagamitan tulad ng sofa, magagandang ilaw at iba pang magagarang palamuti.

Makikita rin sa isang larawan ang mala-condo na itsura ng kanilang kusina at dining area.

Sa caption, ipinaabot ni Joross ang pasasalamat sa kanyang buong pamilya.

Aniya, “Thank you Lord sa blessing na eto! All Glory to God! Sa lahat ng bumubuo neto SHARARAWT sa inyo! Family of Gamboa-Sanchez, Alba-Gamboa, Gamboa-Saga, Gamboa-Escusa, Gamboa-Rapiz.”

Kasunod nito, nangako ang aktor na maglalabas siya ng vlog tungkol sa kanilang beach house.

A post shared by Joross Gamboa (@joross_gamboa)

Ilang netizens naman ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa Gamboa family.

Bukod sa netizens, bumati rin ang Kapuso actress na si Kris Bernal at ang TV comedienne na si Kakai Bautista.

Nito lamang April 23, unang ibinahagi ni Joross sa isang Instagram post na magpapatayo ang kanyang pamilya ng isang beachfront property sa Quezon Province.

A post shared by Joross Gamboa (@joross_gamboa)

Samantala, ang beach house nina Maritoni Fernandez at Mon Dayrit dito: