GMA Logo Joross Gamboa
What's Hot

Joross Gamboa, wagi bilang Best Supporting Actor sa 21st Gawad Tanglaw

By Jansen Ramos
Published October 29, 2025 7:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

From CapQuin to KrysTon, here are the new duo formations in PBB Collab 2.0
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Joross Gamboa


Nagpasalamat si Joross Gamboa sa pagkilala sa kanya ng 21st Gawad Tanglaw Awards bilang Best Supporting Actor para sa kanyang pagganap sa 'Hello, Love, Again.'

Muling pinarangalan ang mahusay na pagganap ni Joross Gamboa sa highest-grossing Filipino film of all time na Hello, Love, Again.

Iginawad sa kanya ang Best Supporting Actor award ng 21st Gawad Tanglaw Awards.

Ipinahayag naman ang Joross sa Instagram ang kanyang pasasalamat para sa panibagong pagkilala na ito.

Sulat ng aktor, "Maraming salamat po sa parangal na eto Gawad Tanglaw maraming salamat din ulit sa ABSCBN, Star Cinema, GMA Films at sa lahat ng bumubuo ng Hello Love Again. I am truly grateful. All Glory to God! #gawadtanglaw2025 #21stgawadtanglaw"

A post shared by Joross Gamboa (@joross_gamboa)

Sequel ng 2019 romance-drama film na Hello, Love, Goodbye ang Hello, Love, Again. Dito ay gumanap si Joross bilang Jhim Gabriel, ang malapit na kaibigan at katrabaho ng lead male character na si Ethan, na ginampanan ng Sparkle artist at Asia's Multimedia Star na si Alden Richards. Nakatambal ni Alden sa pelikula si Kathryn Bernardo.

Samantala, kasalukuyang napapanood si Joross sa GMA Prime series na Sanggang-Dikit FR, na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Gumaganap si Joross sa serye bilang pulis.

RELATED CONTENT: LOOK: Joross Gamboa's photos that prove he's a handsome and hunky dad!