
May bagong hamon ang Champacang Ina na si Tiffany (Pokwang) para sa pretty mommy na si Maria (Marian Rivera) sa all-new episode ng Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0 ngayong Sabado ng gabi!
Kukumbinsihin ni Tiffany ang asawa ni Jose (Dingdong Dantes) na sumali sa annual Barangay Champaca Pretty Preggy Mom contest.
Kayanin kaya ni Mommy Maria ang pressure sa pagsali sa beauty contest ng mga buntis?
O baka, chance na naman ito para kay Mrs. Hambog na isabotahe ang Villa couple?
Huwag papahuli sa bonggang saya na hatid ng Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0 this March 16, bago ang Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
LOOK: KULIT MOMENTS WITH TEAM BONGGANG VILLA