
Umariba na naman ang Jose and Maria's Bonggang Villa 2.0, dahil nakakuha ulit ito ng mataas na TV ratings last weekend.
Base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating, nagtala ang Jose and Maria's Bonggang Villa 2.0 ng 8.3 percent TV ratings kontra sa katapat nitong programa nitong March 16.
Hindi umurong ang misis ni Jose (Dingdong Dantes) na si Maria (Marian Rivera) sa hamon ni Tiffany (Pokwang) na sumali siya sa annual Pretty Preggy Mommy contest sa Barangay Champaca.
Source: GMA Network
Pero sa mismong pageant night, mukhang may nanabotahe kay Maria para hindi ito manalo.
We smell a hambog plan in motion!
Manalo pa kaya ang wifey ni Jose sa naturang kumpetisyon?
Normal ba sa buntis ang pumanget?
Ang DANCE QUEEN at PRETTY PREGGY ng Bonggang Villa!
Heto pa ang ibang bonggang moments sa Kapuso sitcom sa video below.
Huwag niyong GINAGALIT ang buntis!
Tiffany, ang EXPERT sa pang-iinis ng BUNTIS!
Maria, hindi makontrol ang MOOD SWINGS!
Palaban sa rehearsals si PREGGY MARIA!
Ang preggy na si Maria, lalaban sa beauty pageant!
Jose and Maria's Bonggang Villa (Full Episode 9) Ang PREGNANCY ERA ni Maria!
Huwag papahuli sa highly-entertaining Sabado Star Power sa gabi line-up ng GMA-7!