
May multo problems uli na haharapin ang mag-asawang Villa sa Saturday episode ng Jose and Maria's Bonggang Villa.
Kakaiba ang pinakabagong guest na nag-check in sa Bonggang Villa na si Mommy Kath (Gladys Reyes).
Bukod sa mala-pusa nitong OOTD, kasama rin niya ang mga anak-anakan nitong stuffed toys.
At isang nagdadabog na kaluluwa ang tutulungan ni Maria (Marian Rivera) na nanggugulo sa kuwarto kung saan nag-iistay si Ms. Kath.
Ano ang koneksyon ng bisita sa spirito ni Leo?
At, ito na ba ang moment ni Jose (Dingdong Dantes) para harapin ang sa multo na pagala-gala sa Bonggang Villa?
All-out ang tawanan ngayong July 2 with our special guests Gladys Reyes, Alex Calleja, at Kapuso heartthrob Andre Paras sa Jose and Maria's Bonggang Villa, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
Kilalanin ang versatile at funny cast ng Jose and Maria's Bonggang Villa sa gallery na ito.