
May kurot sa puso ang handog na episode ng Jose and Maria's Bonggang Villa para sa Araw ng mga Tatay.
Sa Saturday episode ng high-rating Kapuso sitcom, may kakaibang request ang bisita nina Jose (Dingdong Dantes) at Maria (Marian Rivera) na si Mr. Kidd (Gabby Eigenmann). Nag-request kasi ito sa employees ng Bonggang Villa ng isang kiddie party para sa kanyang 50th birthday.
Bakit ganito ang gustong party ni Mr. Kidd? At ano ang kinalaman ng bisita sa nakitang batang lalaki ni Maria na si Junior (Baeby Baste)?
Extra ang saya na hatid ng Jose and Maria's Bonggang Villa sa Sabado Star Power sa gabi, dahil mapapanood na for the first-time sa hit sitcom ang Sparkle Sweethearts na sina Jamir Zabarte at Zonia Mejia!
Kaya mag-stay at home with the whole family at makitawa with Jose and Maria this June 18, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
Kilalanin ang versatile at funny cast ng Jose and Maria's Bonggang Villa sa gallery na ito.