GMA Logo Jose and Maria's Bonggang Villa
Source: GMA Network
What's on TV

Jose and Maria's Bonggang Villa: First guest

By Aedrianne Acar
Published June 8, 2022 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

India says its economy has overtaken Japan, eyes Germany
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Jose and Maria's Bonggang Villa


Heto ang mga dapat tutukan sa high-rating sitcom na 'Jose and Maria's Bonggang Villa' ngayong June 11.

May halong kababalaghan ang bagong guest ng Bonggang Villa!

Magtataka ang may third eye na si Maria (Marian Rivera) sa kakaibang ikinikilos ng kanilang bisita na si Maxine.

Jose and Maria s Bonggang Villa episode on June 11

Nang personal itong puntahan ng misis ni Jose (Dingdong Dantes) upang mabigyan ng complimentary food and drinks at humingi ng paumanhin dahil hindi siya napansin ng kanilang staff, nagalit ito kay Maria dahil ang ingay daw ng kanilang empleyado.

Sa mga sumunod na pangyayari, iba-iba ang kinikilos ni Maxine. Minsan mabait ito, ngunit kapag kaharap si Maria ay sinusungitan naman niya.

Bakit ganito ang makitungo ang guest ng Bonggang Villa?

Bongga ang tawanan with DongYan tuwing sa Sabado ng gabi, kaya nood na ng Jose and Maria's Bonggang Villa pagkatapos ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong June 11.

Kilalanin ang versatile at funny cast ng Jose and Maria's Bonggang Villa sa gallery na ito.