
Isang mayaman na librarian na may Miss Michin vibes ang magiging bisita nina Jose (Dingdong Dantes) at Maria (Marian Rivera) this Saturday night sa Jose and Maria's Bonggang Villa.
Sa sobrang rich nito, ni-rentahan niya ang buong Bonggang Villa!
Samantala may bagong “No Noisy” policy sa bed and breakfast nina Mr. and Mrs Villa. Ang hindi makakasunod ay may penalty!
Sino sa mga mga empleyado sa Bonggang Villa ang papalpak sa pagsunod?
Masusubukan naman ang third eye ni Maria, dahil isang ispirito na mime artist ang kanyang tutulungan.
Ano kaya ang magagawa niya para sa kaluluwa, kung hindi niya ito maintindihan?
Solid ang tawanan sa episode ng Jose and Maria's Bonggang Villa with our talented celebrity guests na sina Sanya Lopez at Empoy Marquez!
Ngayong August 20 na 'yan , pagkatapos ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
KILALANIN ANG VERSATILE AT FUNNY CAST NG JOSE AND MARIA'S BONGGANG VILLA: