
Kailangan magtulungan nina Jose (Dingdong Dantes) at Maria (Marian Rivera) para maprotektahan ang relasyon ng dalawa nilang guests sa Bonggang Villa na ginugulo ng mga multo.
Sa Saturday episode ng Jose and Maria's Bonggang Villa, magche-check in ang sweet couple na sina Marco (Rob Gomez) at Mandy (Bianca Umali).
Perfect for each other sina Marco at Mandy at sa katunayan ay nagpe-prepare na sila for their wedding.
Kaso, mukhang magkakalabuan ang dalawa at kahit ano'ng gawing ng staff ng Bonggang Villa para maging romantic ang stay nila ay pumalpak pa rin.
May kinalaman kaya ang isipirito nina Franco (Kristoffer Martin) at Faye (Arra San Agustin) kung bakit nagiging bitter sina Marco at Mandy?
Mukhang masusubukan uli ang problem solving skills ng mag-asawang Villa this week!
Abangan ang star-studded episode na ito ng Jose and Maria's Bonggang Villa ngayong July 23, kasama sina Rob Gomez, Bianca Umali, Arra San Agustin, at Kristoffer Martin, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
KILALANIN ANG VERSATILE AT FUNNY CAST NG JOSE AND MARIA'S BONGGANG VILLA: