
May bad vibes na darating sa Bonggang Villa this Saturday night!
Bibisita ang nanay ni Jose (Dingdong Dantes) na si Mommy Janice (Pinky Amador) para kumustahin ang nangyayari sa Bonggang Villa.
Tulad pa rin ng dati, malamig ang pakikitungo nito sa kanyang daughter-in-law na si Maria (Marian Rivera).
Dahil sa pakiramdam niya ay may malas sa bed and breakfast business ni Jose, iha-hire nito ang Feng Shui expert na si Master Shio (Jerald Napoles).
Ma-unlock kaya ng Feng Shui expert ang suwerte sa Bonggang Villa?
At ano ang mangyayari sa muling pagkikita nin a Maria at ng terror biyenan niyang si Mommy Janice?
It's your lucky day, mga Kapuso, dahil siksik ang tawanan na mapapanood sa Jose and Maria's Bonggang Villa, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, ngayong July 16.
KILALANIN ANG VERSATILE AT FUNNY CAST NG JOSE AND MARIA'S BONGGANG VILLA: