
May away pamilya na kailangan i-solve sina Jose (Dingdong Dantes) at Maria (Marian Rivera) ngayong Sabado ng gabi.
Matindi ang bangayan ng magkapatid na sina Martina (Ashley Ortega) at Millicent (Thea Tolentino), dahil pinagtatalunan nila ang mana ng yumao nilang tatay na si Don Denero (Leo Martinez).
Makatulong kaya ang staff ng Bonggang Villa para matapos na ang gusot sa pagitan ng magkapatid?
Samantala, makikita naman ni Maria ang esipiritu ni Don Denero (Leo Martinez) at kahit ito mismo, hindi matandaan kung sino sa dalawa ang pinili niyang tagapagmana.
Maalala kaya niya kung sino ang rightful heiress kina Martina at Millicent?
Tiyak na masaya ang tawanan na mapapanood sa Jose and Maria's Bonggang Villa with our special guests Ashley Ortega, Thea Tolentino, and Leo Martinez, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, ngayong July 30 .
KILALANIN ANG VERSATILE AT FUNNY CAST NG JOSE AND MARIA'S BONGGANG VILLA: