What's on TV

Jose Manalo, Boobay at Brod Pete, mainit ang ulo sa 'Celebrity Bluff'

By Cherry Sun
Published August 10, 2020 5:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

House recognizes Gatchalian-led Senate Secretary for SONA preps
Foreign exchange rate, June 08, 2026 | One Western Visayas
Thai GL series to binge-watch this Pride Month

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay Jose Manalo Brod Pete at Eugene Domingo


Bakit kaya sensitibo at mabilis magalit ang celebrity bluffers na sina Jose Manalo, Boobay at Brod Pete? Balikan ang tagpong ito sa 'Celebrity Bluff!'

Nagulat ang celebrity players nang pag-initan sila ng celebrity bluffers sa nakaraang episode ng Celebrity Bluff.

Boobay Jose Manalo Brod Pete at Eugene Domingo

Nitong Sabado, August 9, muling napanood sina Eugene, Jose, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Nakasama nilang maki-'Fact or Bluff' ang chil starts-turned-loyal Kapuso stars na sina Sunshine Dizon at Paolo Contis, ang mag-dabarkads at best friends na sina Pauleen Luna at Ruby Rodriguez, at ang original mag-Mars na sina Camille Prats at Mars Abrera.

Bago magtapos ang unang round, halos sabay-sabay na nag-init ang ulo ng celebrity bluffers. Ayaw daw kasing maniwala ng celebrity players sa kanilang mga sagot.

Saan kaya hahantong ang tagpong ito? Panoorin ang buong video ng August 8 episode sa itaas.

Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl.