GMA Logo Jose Manalo
What's on TV

Jose Manalo, ipinakita kung paano manligaw sa 'Celebrity Bluff'

By Cherry Sun
Published July 15, 2020 3:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Jon Lucas says he reached out to Nikko Natividad following viral video controversy
Butanding, sumadsad sa baybayin ng Gonzaga, Cagayan | One North Central Luzon
Flight vs Finance: why Filipinos are reevaluating travel plans in 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Jose Manalo


Hindi maitago ni Eugene Domingo ang kanyang kilig pero mapasagot kaya siya ni Jose Manalo? Balikan ang kilig moments ng #JoGe love team sa 'Celebrity Bluff!'

Nabalot ng kilig ang Celebrity Bluff studio nang ipinakita ni Jose Manalo ang kanyang istilo sa panliligaw.

Nitong Sabado, July 11, muling napanood sina Eugene Domingo, Jose, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Nakasama nilang maki-'Fact or Bluff' sina Francine Garcia at Trixie Maristela, Digeo at Shalala, at Gardo Versoza at Mon Confiado.

Ang naturang episode ay kabilang sa pagdiriwang ng Celebrity Bluff ng gay pride.

Sama-samang rumampa sina Francine, Trixie, Diego at Shalala. Nasundan pa ito ng isang rebelasyon nang matagpuan nila mula sa studio audience ang look-alike ni Diego.

Maliban sa makulay na selebrasyon na ito, napuno rin ng kilig at hiyawan ang studio. Wala kasing pag-aalangang tanungin ni Jose kung gusto ba siya ni Uge.

Panoorin ang kanyang istilo ng panliligaw dito:

Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl.