What's on TV

Jose Manalo, todo ang pagpapakilig kay Eugene Domingo

By Cherry Sun
Published August 4, 2020 4:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News

Eugene Domingo at Jose Manalo


Todo effort si Jose Manalo kay Eugene Domingo dahil sa pagseselos niya kay Mark Herras. Panoorin ang tagpong ito sa 'Celebrity Bluff!'

Napuno ng kilig at selos sa pagitan nina Eugene Domingo at Jose Manalo sa Celebrity Bluff.

Nitong Sabado, August 1, muling napanood sina Eugene, Jose, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff. Special guest din nia sa episode si Dra. Beki Belo.

Nakasama nilang maki-'Fact or Bluff' sina Joyce Ching at Kevin Santos, Andrea Torres at Mark Herras, at Krystal Reyes at Kristoffer Martin.

Nang sina Andrea at Mark na ang maglalaro, napansin ng aktor ang kaseksihan ni Eugene. Dahil dito ay nagselos si Jose.

Aniya, “Brad, nakakasagasa ka, brad. Nawawalan ka ng respeto ah.

“Respetuhin mo naman 'yung matandang katabi mo,” bawi rin niya.

Pero sa kabila ng pagseselos, todo effort pa rin si Jose sa pagpapakilig kay Eugene.

Panoorin ang buong video ng August 1 episode sa itaas.

Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl.