
Bumisita at nagbigay saya ang veteran singer-songwriter na si Jose Mari Chan sa It's Showtime ngayong Martes (September 1) dahil opisyal nang nagsimula ang Ber months.
Masayang energy ang hatid ng OPM icon sa kanyang pagbisita sa naturang noontime program.
"I'm happy to be here! Thank you for inviting me. What's Up Madlang People!" ani Jose Mari Chan.
Matapos ito, tinanong ng singer-host na si Darren Espanto ang Christmas icon kung ano ang hiling nito sa darating na Pasko.
Tanong ni Darren, "Kung kayo naman po ang hihiling, ano'ng gift naman po ang gusto n'yong matanggap ngayong taon this Christmas?"
"Prosperity to the Philippines. A lot of our countrymen are in need, So we should help our fellow countrymen," sagot niya.
Bukod dito, ibinahagi rin ni Jose Mari Chan ang kanyang wish para sa sarili.
Aniya, "Good health, and happiness, prosperity to our family."
Matapos ito, naghatid ng masayang performance ang OPM icon nang awitin niya ang kanyang hit song na "Christmas In Our Hearts" at naki-sing along dito ang hosts at Madlang People.
Nagpasalamat din ang It's Showtime hosts sa veteran singer dahil sa paghahatid nito ng masayang energy at magagandang awitin, na patuloy na nagbibigay ng pag-asa sa bawat Pilipino.
Related gallery: Fun facts about 'King of Philippine Christmas Carols' Jose Mari Chan
Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.