What's Hot

Jose Mari Chan, pinapakanta ng Christmas songs kahit hindi Pasko

By Gia Allana Soriano
Published September 4, 2018 5:57 PM PHT
Updated September 4, 2018 6:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado si Jose Mari Chan na ang kadalasang request sa kanya ng mga tao ay kanyang mga Christmas hit, lalo na kung nagpe-perform siya abroad kahit hindi Pasko.

Talaga namang trending si Jose Mari Chan ngayong "ber" months na.

Rinig na rinig na sa mga malls, at sa iba't iba pang lugar ang kanyang mga Christmas songs. Pero kahit di raw Pasko, marami pa ring nagre-request sa singer na kumanta ng pang-Paskong kanta.

Aniya, "Even not during the season, mga let's say April, May, or June, July, if I'm doing shows abroad, they ask me to sing my Christmas songs."

Ano naman ang sekreto niya sa paggawa ng mga heartwarming songs na patok sa karamihan?

Ika niya, "The melody should be catchy enough, that's why little children, even in nurseries they sing 'Christmas In Our Hearts,' kasi madali lang kantahin, ano."

Diniin din ni Jose Mari Chan na ang pinaka-importante ngayong season ay ang may kaarawan na si Lord Jesus Christ.

Dagdag niya, "Most important is the message of the Christmas songs, should be about our Lord Jesus Christ, because we are celebrating the birth of our Savior."

Panoorin ang buong report sa 24 Oras: