
Bumisita at naghatid ng saya sa madlang people ang veteran OPM icon na si Jose Mari Chan sa It's Showtime nitong Lunes, September 1.
Dahil nagsimula na ang “Ber” month kahapon, nag-perform ang kilalang mang-aawit ng kantang “Mary's Boy Child” at ang kaniyang iconic holiday song na “Christmas In Our Hearts.”
Matapos ang kaniyang opening number, sinabi ni Jose Mari Chan na siya'y “blessed” sa tuwing inaabangan siya ng mga tao kapag nalalapit na ang ber months.
Dagdag pa niya, "God has blessed me with the gift of music."
Tinanong naman ni Amy Perez si Jose Mari Chan kung ano ang wish nito para sa Pasko ngayong taon.
Aniya, “My Christmas wish is for prosperity. Prosperity in our country because there's so many of our brothers and sisters who are in need of our help. So let us share our blessings. Let us share our blessings to those who are in need.”
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
ALAMIN ANG ILANG FUN FACTS TUNGKOL KAY JOSE MARI CHAN SA GALLERY NA ITO.