
May kurot sa puso ang birthday message ng TV host at endorser na si Kris Aquino para sa kanyang panganay na anak na si Josh Aquino.
Sa Instagram post ni Kris ngayong araw, June 4, inalala niya ang mga nangyari 26 years ago nang isilang niya si Josh.
Aminado ang nakababatang kapatid ni former President Noynoy Aquino na hindi pa siya ready maging isang ina nang dumating sa buhay niya noon si Josh.
Saad ni Kris, “Kuya Josh's Birthday
“June 4, 1995, i was so NOT READY to be a mama… in many ways kuya josh helped me grow up. He was just 3 years old when it became just the 2 of us… because never kong tinago sa inyo that he is a special child, that he's in the autism spectrum, oftentimes na bully sya lalo na pag may pulitikang involved, BUT di hamak mas marami ang nagtanggol at nakaramdam ng pureness ng puso nya at ng kanyang genuine na generosity at ang hindi nya pagpili sa kakaibiganin at bibigyan ng respeto - for kuya kung mabait ka at nagpakita ng kabutihan higit dun ang lambing at pagmamahal na isusukli nya.”
Ipinasilip din ni Kris ang ginawa nilang outreach program sa probinsya ng Tarlac, kung saan namigay sila ng grocery packs.
Ayon sa tinaguriang Queen of All Media, sa abot ng kanyang makakaya ay ibabalik niya ang suporta na ipinaramdam sa kanya at dalawang anak.
“I have often said life isn't perfect BUT it does have many wonderful moments. Hindi possible for kuya josh, bimb, and me to share our blessings had you not given me the trust and support you have.
“Nakabalik ako sa trabaho, and i'd like to consider that my true career started because you accepted me with all my flaws & strengths 4 months after i gave birth to my panganay.
Lahat ng meron kaming mag nanay, nanggaling sa trabaho ko na sinuportahan ninyo. Habang kakayanin, patuloy namin ibabalik sa inyo yung blessings that you gave the 3 Aquinos.
“Happy birthday, Kuya Josh, we love you.”
Bumuhos din ang pagbati mula sa ilang showbiz personalities tulad nina Kim Chiu, Neri Naig, at designer na si JC Buendia.