
Kakaibang back-to-school experience ang mararanasan ng special guests natin sa Running Man Philippines Season 2 na sina SB19 member Josh Cullen at Unang Hirit host Shaira Diaz this weekend!
'K sa labanan' ang dalawa kasama ang Pinoy Runners na sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Miguel Tanfelix, Lexi Gonzales, Buboy Villar, Kokoy de Santos, at Angel Guardian sa panibagong 'School Race' na magsisimula ngayong June 1 at 2.
Ayon kay Josh, kahit matindi ang lamig ay na-enjoy niya ang mga ginawa nila mission at challenges.
Aniya, “Hindi ko kinakaya ang lamig kung nasaan kami ngayon, pero grabe ang intense ng laban. Nagkakasakitan na at siyempre, puno pa rin ng katatawanan. Pero ang importante, lahat kami dito masaya!”
“Of course, siguro dapat n'yo abangan itong episode na ito. Kasi, itong episode na ito, ito ang isa sa pinakamasaya na episode,” saad ng P-pop idol superstar.
Source: GMA Network
Hindi rin nagpatinag ang tinaguriang 'Morning Sunshine' ng Unang Hirit na si Shaira Diaz at nakipagsabayan ito sa Runners.
Kuwento niya tungkol sa experience niya sa Running Man Philippines, “Grabe, sobrang lamig dito. Pero masaya pa rin at nakatakbo ako kasama ang ibang mga Runners. Hindi ko na maramdaman ilong ko, pero ang saya ng bawat mission namin.”
“Ang saya lang ma-experience 'yung winter dito sa Korea and ang lala ng mga challenges, 'yung tipong hindi mo ma-expect na malamig na nga, 'yun pa 'yung gagawin mo.”
Heto ang pasilip sa exciting twist at fun missions sa new race natin sa Running Man Philippines na mapapanood ma simula ngayong Sabado at Linggo sa oras na 7:15 p.m.
RELATED CONTENT: MEET THE KOREAN STARS JOINING THE MUCH-AWAITED RUNNING MAN PH SEASON 2