GMA Logo Josh Ford at Kira Balinger
What's Hot

Josh Ford at Kira Balinger, enjoy sa muling pagsasama sa 'Huwag Kang Titingin'

By Kristine Kang
Published April 1, 2026 1:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala back at Rafa Nadal Academy ahead of clay-court swing
'The Bureau of Magical Things Season 2' ends this Sunday
2 more drivers in Panay test positive in drug test

Article Inside Page


Showbiz News

Josh Ford at Kira Balinger


Kira Balinger kay Josh Ford: 'We really truly care for one another.'

Mula sa loob ng Bahay ni Kuya at sa The Secrets of Hotel 88, muling magsasama sina Josh Ford at Kira Balinger sa big screen ng upcoming horror film na Huwag Kang Titingin.

Sa inilabas na trailer at posters pa lamang, kapansin-pansin na ang excitement ng fans para sa pagbabalik ng Team KiSh. Lalo pa itong pinusuan dahil sa mga unang teaser ng duo tungkol sa kanilang mga karakter sa pelikula.

Ngunit hindi lamang ang fans ang masaya sa pagbabalik ng KiSh, kundi pati na rin sina Josh at Kira mismo.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, labis daw na nag-enjoy ang dalawang stars sa paggawa ng pelikula magkasama.

"Working with Josh has been so fun. I've got his back, and he's got mine. I think that's what makes our team-up so special because we really truly care for one another," ani Kira.

"He's so easy to work with. I really never had a problem with Josh when it comes to work. He's fun, spontaneous, and I admire how hardworking he is."

Para naman kay Josh, masaya rin siya na maka-bonding muli ang kanyang ka-duo.

"Sobrang nakakatuwa kasi from Bahay ni Kuya tapos ngayon we're part of the movie na. Sobrang nakakatuwa na siya pa rin ang partner ko dito."

Siyempre, hindi rin mawawala ang kanilang kulitan sa set.

"Masaya kasama si Kira sa set kasi may dala siyang pagkain," pabirong dagdag ni Josh.

"She's very fun to be with on set, kasi magugulatin siya. Tinatakot ko siya. Natatawa lang ako parang siya ang pampa-light ng mood sa amin."

Tingnan ang sweet moments nina Josh Ford at Kira Balinger sa gallery na ito:


Mapapanood na ang GMA Pictures at Mentorque Inc.'s chilling horror film na Huwag Kang Titingin ngayong April 15.

Kasama rin nila rito sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Charlie Fleming, Michael Sager, Sean Lucas, Anthony Constantino, at special participation ni Shuvee Etrata.

Samantala, balikan ang star-studded mediacon ng Huwag Kang Titingin sa gallery na ito: