
Tila wish granted para sa fans ang pinakabagong video ng Huwag Kang Titingin stars Josh Ford at Kira Balinger.
Sa kanyang TikTok page, makikita muna ang Kapuso actor na sumasabay sa kanta ng Itchyworms na "Gusto Ko Lamang Sa Buhay. "
Noong dumating na sa chorus, hindi mapigilan ng fans ang kanilang kilig nang makita si Kira sa screen. Sweetness overload ang KiSh duo nang biglang niyakap ni Kira si Josh.
Makikita pa na masaya ang ngiti ng dalawa habang nagyakapan at tuluyang mawala sa harap ng camera.
" Gusto ko lamang sa buhay ay…" ani Josh sa captions
Kinilig pa ang fans nang nagkomento rin si Kira na "Anytime."
Sa ngayon, umabot na sa mahigit 415,000 views at 45,000 heart reactions ang naturang video sa TikTok. Marami ring fans ang hindi mapigilang kiligin sa comment section.
@joshykosh101 Gusto ko lamang sa buhay ay… #kish ♬ original sound - Mik San Pedro
Mapapanood muling magkasama sina Kira at Josh sa upcoming mystery series na The Secrets of Hotel 88.
Kabilang din sila sa horror film ng GMA Pictures at Mentorque Inc. na Huwag Kang Titingin, na ipapalabas sa mga sinehan ngayong summer.
Tingnan ang sweet moments nina Josh Ford at Kira Balinger sa gallery na ito: