GMA Logo Josh Ford, Kira Balinger
Photo by: joshykosh101, kirabalingerr (IG)
Celebrity Life

Josh Ford at Kira Balinger, naghatid ng kilig online

By Kristine Kang
Published January 27, 2026 12:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 workers pinned to death by falling bags of cement at Cebu site
ASEAN delegates to visit heritage sites in Cebu City
Miss World Philippines candidates visit survivors of online child exploitation

Article Inside Page


Showbiz News

Josh Ford, Kira Balinger


May pa-ayuda sina Kira Balinger at Josh Ford!

Hindi mapigilan ng netizens ang kiligin sa bagong posts nina Josh Ford at Kira Balinger.

Sa kanyang TikTok page, ibinahagi ng Kapuso actor ang kanilang sweet moment sa harap ng isang island scenery.

Sa simpleng titigan pa lamang ng dalawa, kitang-kita na ang kanilang chemistry. Mas naging masaya ang video nang sumali sina AZ Martinez at Mika Salamanca, na nakipagkulitan din sa set.

"Kumusta ka na Kira, for AZ Martinez and Mika Salamanca, You're Fired," pabirong caption ni Josh Ford.

@joshykosh101 Kumusta ka na @Kira 🌻 for @AZ Martinez and @Mahika ♬ original sound - ᕼᗩᑎᗩᗰIᑕᕼII

Samantala, nagbahagi rin si Kira ng isang cute dance challenge kasama ang kanyang KiSh partner.

Blooming si Kira sa kanyang summer get-up habang charming at dashing naman si Josh sa kanyang tropical themed outfit.

Nang magsabay na sumayaw ang dalawa, hindi maitago ang kanilang mga ngiti at saya na agad namang pinusuan ng fans.

"Kish Kish Josh Ford," ani Kira sa caption.

Bukod sa videos, kinilig din ang fans sa palitan ng komento ng KiSh duo.

Umabot na sa mahigit 2 million views at 300,000 heart reactions ang dalawang videos sa platform.

@kirabalingerr Kish Kish @Josh Ford ♬ suara asli - ❤Minakho2❤

Nagsimula ang tambalan nina Josh Ford at Kira Balinger sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Dahil sa kanilang natural chemistry, kaagad pinusuan ang duo ng fans at ng housemates sa loob ng Bahay ni Kuya.

Samantala, mapapanood ang KiSh sa paparating na mystery-drama series na The Secrets of Hotel 88, kasama ang iba pang dating housemates.

Kabilang din ang dalawa sa horror film ng GMA Pictures at Mentorque Inc. na Huwag Kang Titingin.

Tingnan ang sweet moments nina Josh Ford at Kira Balinger sa gallery na ito: