
Isa ang tambalang KiSh nina Josh Ford Kira Balinger sa mga nabuong love teams mula sa first season ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, April 8, sinagot ng dalawang young stars ang posibilidad ng pagtuloy ng kanilang relationship sa romance.
Ani Kira, una silang nakabuo ni Josh ng koneksyon sa isa't isa noong mag-usap sila sa garden sa loob ng Bahay ni Kuya pagkatapos nila maging duo.
Dagdag pa ni Josh, “That's a very long talk—siguro mga three hours kami nag-uusap sa garden—and it was sobrang heartfelt. Doon ko talaga nakilala kung sino talaga si Kira.”
Nang tanungin ni King of Talk Boy Abunda kung bordering on romantic na ba ang kanilang connection, sabi ni Josh, “Possibly.”
BALIKAN ANG MGA PAGKAKATAONG NAGPAKILIG SINA JOSH AT KIRA SA GALLERY NA ITO:
Sabi nina Josh at Kira, pinahahalagahan nila ang isa't isa. At para sa huli, iyon ang pinakapundasyon ng kanilang koneksyon.
Aminado naman si Josh na sobrang saya niya nang paglabas ng PBB house ay shini-ship na sila ni Kira. Samantala ang aktres, hindi naman inasahan ang kanilang tambalan.
“Kasi sa loob pa lang po, when we did the pares thing, they were sending in messages from the people who were buying the pares. 'Tapos, may nakalagay du'n, 'From KiSh, From JoKir.' So sabi ko, 'Uy, may something,'” sabi ni Kira.
Muli, tinanong ng batikang host ang mga bida ng The Secrets of Hotel 88 kung may posibilidad ba na ang connection nila ay tumawid sa romantic love.
Sagot ni Kira, “Maybe, yeah. Possible.”
Samantala, diretsong sagot ni Josh, “Of course.”
Panoorin sina Josh at Kira sa The Secrets of Hotel 88, 9:35 p.m. sa GMA Prime. Mapapanood din ang serye sa GMA Pinoy TV, TFC, iWant TV, Kapuso Stream, at Kapamilya Online.
Mapapanood din sina Josh at Kira sa summer horror film offering na Huwag Kang Titingin.