
Matapos ang kanilang misunderstanding sa loob ng Bahay ni Kuya, nagkaayos na ang Kapuso stars na sina Josh Ford at Vince Maristela.
Ito ang masayang ibinalita ng dalawa nang makapanayam ni Aubrey Carampel sa GMA Integrated News interviews na napanood sa 24 Oras.
Paliwanag ni Vince, "Sa loob po ng Bahay ni Kuya, nagkaayos naman kami non. Siguro, naniniwala din ako na mas lumalalim ang totoong pagkakaibigan hindi lang sa ups, pero pati na rin sa down moments."
"Past is past," dagdag pa niya.
Nagkaroon ng misunderstanding sina Josh at Vince dahil sa isang joke sa loob ng bahay na hindi nagustuhan ni Vince.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 9:30 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.