
Kakaibang birthday celebration ang na-experience ng Sparkle star na si Josh Ford.
Sa showbiz report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, inilahad niya kung gaano naging espesyal ang kanyang birthday.
Kasama ang Star Magic artist na si Kira Balinger, bumisita sa isang elderly home sa San Juan si Josh upang doon magbigay saya at patuloy na magbahagi ng love and care.
Hindi lang ito celebration ng kanyang kaarawan kundi pagdiriwang na rin ng anniversary ng Team KiSh, ang tambalan nina Kira at Josh na nabuo at nagsimula sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Related gallery: These ex-PBB collab are friendship goals
Pagbabahagi ng Kapuso star tungkol dito, “This birthday is so special to me kasi ito 'yung first time ko na nag-spend ng birthday to give back to people kasi sila ang mga tumulong sa akin para makarating ako kung nasaan ako ngayon.”
Ayon pa sa kanya, nostalgic ang lugar para sa kanyang post-birthday celebration dahil minsan siyang nagtrabaho bilang isang caregiver noong siya ay naninirahan pa sa United Kingdom.
Samantala, mismong sa set ng The Secrets of Hotel 88 nag-celebrate ng kaarawan si Josh habang sila ay naka-lock-in taping kasama ang kanyang co-stars, kabilang na si Kira.
Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi rin ng Sparkle star na nakatanggap siya ng sorpresa mula sa Star Magic artist na isini-ship sa kanya.
Sabi niya, “Nung March 12 at midnight, sinurprise niya [Kira Balinger] ako and she gave me a sweet little gift."
Source: 24 Oras
Bukod sa ongoing series, mapapanood sina Josh at Kira sa horror film na Huwag Kang Titingin, kung saan kasama nila ang tulad nilang ex-housemates sa nagdaang PBB collab na sina Charlie Fleming, Shuvee Etrata, Michael Sager, at iba pang Sparkle stars.