GMA Logo Josh Ford
What's Hot

Josh Ford, emosyonal nang balikan ang rason kung bakit pumasok sa 'PBB'

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 24, 2025 12:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Josh Ford


Naging emosyonal si Josh Ford nang magbigay siya ng mensahe sa mga yumaong taong naging inspirasyon niya sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.'

Hindi maiwasan ng aktor na si Josh Ford na maging emosyonal nang balikan niya ang rason kung bakit siya sumali sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sinabi ni Josh na lumaban siya hindi lamang para sa kanyang yumaong ama dahil pati na rin sa mga kaibigan niyang namatay sa isang aksidenteng siya lang ang nakaligtas.

"Nandito pa rin ako, nakangiti pa rin sa harapan n'yo. I love you guys, and I hope proud kayo sa akin kahit hindi ako nanalo, kahit hindi ako naging big winner, gagalingan ko pa rin," emosyonal na pahayag ni Josh sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.

"Smile lang kasi hindi mo alam kung ano mangyayari bukas, so be thankful, be thankful everyday.

"I love you guys, thank you for making me the person I am now."

A post shared by Josh Ford (@joshford321)

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 9:30 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga nangyayari ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at social media platforms ng GMA at ABS-CBN.