
Para sa ilang Kapuso stars, mas nagiging espesyal ang Kapaskuhan dahil sa mga Christmas tradition na nakagawian nilang gawin kasama ang kanilang pamilya.
Sa “Chika Minute” report sa 24 Oras noong Biyernes, November 27, ibinahagi nina Josh Ford, Kelvin Miranda, at Arabelle Dela Cruz ang kanilang paboritong Christmas traditions habang nakisaya sa Sala Ning Pasku Christmas launch.
Ikinuwento ng Kapuso singer at South Korea's Veiled Cup grand winner na isa sa mga pinakaaabangan niya tuwing Pasko ang Noche Buena kasama ang kanyang pamilya.
“'Yung Noche Buena, kasi sama-sama lahat ng family, kakain. Tapos ayun, kahit regular naman na nakakakain magkakasamang pamilya, pero iba talaga 'yun kapag malapit na 'yung Pasko,” saad ni Arabelle.
Samantala, isa naman sa mga Christmas love language ng ex-Pinoy Big Brother housemate ang pagbibigay ng regalo sa kanyang pamilya.
“Pinakagusto ko talaga is gift-giving in the morning. Kapag magkakasama kami ng buong family namin, we have a tradition na we all have to give each family member one gift,” bahagi ni Josh.
Hindi rin mawawala sa Christmas traditions ng pamilya ni Kelvin ang sabay sabay na pagsisimba tuwing Pasko.
“Usually, nagsisimba lang kami sabay sabay tapos kakain kami, and magkakasama kaming bumibisita sa mga kamaganak namin. Syempre namamasko,” kuwento niya.
Panoorin ang buong balita rito:
Samantala, tingnan dito ang holiday plans ng ibang Kapuso stars: